Pangamba ng mga tsuper, negosyo: Kita mapipilay sa 'uniform curfew' sa NCR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pangamba ng mga tsuper, negosyo: Kita mapipilay sa 'uniform curfew' sa NCR

ABS-CBN News

Clipboard

Dumadaing ang mga taxi driver gaya ni Nicanor Capispisan at Pio Quanico sa pagpapalawig ng curfew sa Kamaynilaan. Maaapektuhan kasi umano ang kanilang kitang umaaray na dahil sa pandemya. ABS-CBN News

MAYNILA - Umaaray ang maliliit na negosyante at mga tsuper ngayong palalawigin ang curfew hours sa Kamaynilaan, simula Marso 15 dahil maaapektuhan umano ang kanilang kita.

Ang may-ari ng restobar na si Ed Aquino, namomroblema dahil ngayon pa lang unti-unting nakakabangon ang kaniyang negosyo na nagbubukas tuwing gabi.

“Konti-konti gumaganda na takbo ng negosyo pero pagka-ganyang bumabalik tayo noong una, ang tao matatakot na naman uli... Ang curfew kasi usually sa gabi yan, pero ang virus di lang naman sa gabi, sa araw diyan din yan eh. Paano gagawin natin diyan?” ani Aquino.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dalawang linggo aarangkada ang unified curfew ng Metro Manila mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw. Tanging mga night shift at essential worker lang, kabilang ang food delivery rider, ang papayagang lumabas.

ADVERTISEMENT

Dumadaing dito ang mga taxi driver gaya ni Nicanor Capispisan at Pio Quanico. Dati kasi, P1,000 ang nauuwi nila araw-araw sa pamamasada pero ngayong pandemya, masuwerte na ang P300.

Lalo umano silang maghihirap dahil pinalawig pa ang curfew hours.

“Walang tao, ma’am, sino isasakay namin? Kaya wala ring mangyayari sa amin. Ang kita namin depende lang din sa mga taong sasakay at sipag ng driver,” ani Capispisan.

“Dati 8 p.m. tulog na kami kasi di na nagsasagad kasi pagod ka na eh. Pero ngayon, ayoko na umuwi para kumita lang,” pahayag naman ni Quianico.

Bukod sa curfew, ibabalik na rin ng Philippine National Police ang mga checkpoint sa mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.

Susuriin din ng mga pulis ang mga sasakyang daraan sa mga checkpoint para makita kung nasusunod ng mga sakay nito ang health protocols.

— Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.