Bar sa Cubao na nag-aalok ng 'live show, extra service', ni-raid; 13 babae, nasagip | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bar sa Cubao na nag-aalok ng 'live show, extra service', ni-raid; 13 babae, nasagip

Bar sa Cubao na nag-aalok ng 'live show, extra service', ni-raid; 13 babae, nasagip

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 14, 2019 10:20 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nilusob ng mga awtoridad Miyerkoles ng gabi ang isang bar sa Cubao, Quezon City dahil nag-aalok umano ito ng malaswang palabas at extra service.

Nasagip ang 13 babae, kabilang ang isang menor de edad na mula Mindanao.

Naaresto naman ang 3 lalaki, kabilang ang isang barangay kagawad na siya umanong nagpapasok sa isang biktima na magtrabaho sa bar.

Sa surveillance video ng pulisya, nakuhanan ang pagsayaw nang hubad ng isang babae.

ADVERTISEMENT

Bukod sa malaswang palabas, nag-aalok din umano ng extra service ang bar sa VIP room nito.

Kuwento ng menor de edad na biktima, nagtatrabaho siya sa bar para may maipadalang pera sa kaniyang magulang sa Mindanao.

Itinanggi naman ng mga hinuli ang alegasyon laban sa kanila. Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Samantala, dadalhin muna sa tanggapan ng Social Services Development Department ng Quezon City ang mga biktima. - Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.