Pinay sa Netherlands, nagbukas ng negosyo sa gitna ng pandemya
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinay sa Netherlands, nagbukas ng negosyo sa gitna ng pandemya
Jofelle Tesorio | TFC News The Netherlands
Published Mar 15, 2022 03:08 PM PHT

THE HAGUE - Halos dalawampung taon nang namamasukan si Eva Pulido sa isang uniform factory sa The Netherlands.

Ngayong taon, nagdesisyon na siyang tuparin ang matagal na niyang pangarap, ang magbukas ng sariling negosyo na magbebenta ng pagkain at produktong Pinoy.

Kahit may pandemya hindi kabado si Pulido na magnegosyo.

“Sa akin pagkain (kasi) walang talo,panalong-panalo ka,” sabi ni Pulido, Pinay entrepreneur sa Haarlem, Netherlands.
“Sa akin pagkain (kasi) walang talo,panalong-panalo ka,” sabi ni Pulido, Pinay entrepreneur sa Haarlem, Netherlands.
ADVERTISEMENT
Dahil mahilig din ang mga Dutch sa oriental fusion, may tinda rin siyang bubble tea na patok sa mga turista. Sa unang araw pa lang, dagsaan na ang kanyang customer mapa-Pinoy man o ibang lahi.

“Mahilig akong kumain ng iba-ibang pagkain. 'Pag natikman ko na siya, ginagaya ko with my own version,” dagdag ni Pulido. Katuwang ni Pulido ang kanyang asawa at dalawang anak sa negosyo at pangarap niya na maging malaking restaurant ito sa hinaharap.

Ang mga Pinoy entrepreneur na tulad ni Pulido ang nais suportahan ng Philippine embassy nang maglabas ito ng kauna-unahang Philippines-Netherlands community resource list. Nakalista rito ang iba pang negosyo ng mga Pinoy sa The Netherlands.

Plano ng Embahada na mas palawigin pa ang suporta sa Pinoy entrepreneurs.
“So that our community members would know them better and also so that they can access these services within the community, I think it is important that information, like this, be made available,” saad ni Ambassador Eduardo Malaya, Philippine Ambassador to The Netherlands.

Sa tiyaga at tiwala sa sarili, pinatunayan ng “Entrepinay” na si Eva Pulido na pwedeng makipagsapalaran sa kabila ng hamon ng pandemya.

Para sa mga nagbababagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa The Netherlands, tumutok sa TFC New sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT