Exhibit ng mga relic ni Hesus binuksan na sa publiko sa Las Piñas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Exhibit ng mga relic ni Hesus binuksan na sa publiko sa Las Piñas

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Exhibit ng mga relic ni Hesus binuksan na sa publiko sa Las Piñas

Exhibit ng mga relic ni Hesus binuksan na sa publiko sa Las Piñas

Handa na ang Parish of Mary Immaculate sa Gatchalian, Las Piñas City para sa mga parokyano nito na magninilay ngayong Semana Santa.

Dahil bawal ang mga tradisyon na kalimitang ginagawa tuwing Holy Week gaya ng senakulo, prusisyon at iba pang kahalintulad na aktibidad ng mga Katoliko, nagbukas ng isang exhibit ang parokya ng Maria Imaculada kung saan matatagpuan ang ilang mga relic o mga parte ng mga bagay na itinuturing na banal mula pa sa Roma.

Pormal na binuksan sa publiko ang exhibit area nitong Biyernes sa bakuran din ng simbahan sa pamamagitan ng pag-prusisyon sa relic o piraso ng kahoy na pinagpakuan kay Hesus.

Bukod dito, may mga replica din ng mga itinuturing na banal na gamit sa panahon ni Hesukristo gaya ng Shroud of Turin o ang telang lino na ipinambalot sa katawan ng Panginoon noong siya ay mamatay sa krus at inilibing.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pamunuan ng simbahan bukas ang exhibit mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Kung weekend bukas ito maghapon subalit isasara ito saglit mula alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon para bigyang daan ang disinfection sa lugar.

Tiniyak naman ng simbahan na mahigpit nilang ipatutupad ang lahat ng health and safety protocols.

Lilimitahan lang sa 10 ang papapasukin sa exhibit area at lahat ay obligadong magsuot ng facemask at face shield.

Tatagal ang exhibit na ito hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.