11 arestado sa Laoag dahil sa pagsusugal

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

11 arestado sa Laoag dahil sa pagsusugal

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

LAOAG CITY - Arestado ang 11 indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal sa isang bahay sa Barangay 23 sa lungsod na ito Lunes ng gabi.

Nakompiska sa grupo ang isang kahon na may lamang money chips at P7,000 na hinihinalang ginamit bilang pusta.

Kasama sa mga nahuli ang isang doktor at isang empleyado ng Commission on Elections.

Tumangging humarap sa kamera ang mga naaresto pero may mga ibang nagsabing nadamay lang sila dahil napadaan lang. Ang iba naman, nagsabing "friendly game" lamang ang paglalaro nila ng lucky nine.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa mga pulis, matagal na nilang binabantayan ang ilegal na aktibidad ng grupo. Patago ang kanilang pagsusugal at naniniwala ang mga pulis na may mga protektor ang ganitong grupong sangkot sa ilegal na sugal.

Nanawagan din ang awtoridad sa mga residente na agad ipagbigay alam sa pulisya ang mga ganitong ilegal na gawain.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Gambling Law ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.