4 timbog sa magkakahiwalay na anti-crime ops sa Laguna

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 timbog sa magkakahiwalay na anti-crime ops sa Laguna

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 20, 2020 02:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Apat ang arestado sa magkakahiwalay na anti-criminality operations sa Bay, Laguna nitong Biyernes.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng Bay, Laguna Philippine National Police (PNP) ang bahay ni alyas "Jay" sa Barangay San Antonio.

Kilala umanong tulak ng droga ang suspek na isang drug surrenderee, pero bumalik rin sa paggamit at pagbebenta ng droga.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng shabu na itinago sa kahon ng sigarilyo.

Sunod na inaresto si alyas "Rod" sa Barangay Puypuy na isa rin umanong drug pusher.

Nakuha sa kaniyang bahay ang apat na sachet ng shabu.

Arestado rin sina Ramon Reyes na may kasong violence against women and children at Carla Pagkaliwagan na may kasong 10 counts ng qualified theft.

Ang mismong misis ni Reyes ang nagsampa sa kaniya ng kaso, habang dating employer naman ni Pagkaliwagan na isang ahente ng e-bike ang nagkaso sa kaniya.

Hindi umano kasi na-liquidate ni Pagkaliwagan ang pinagbentahan ng 10 e-bike.

Sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga suspek.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.