10 pulis na umano’y sangkot sa ‘huli-dap’ sa mga sabungero tiklo sa Pampanga
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 pulis na umano’y sangkot sa ‘huli-dap’ sa mga sabungero tiklo sa Pampanga
ABS-CBN News
Published Mar 24, 2022 06:36 AM PHT
|
Updated Mar 24, 2022 06:42 AM PHT

Nasa 10 pulis mula Pampanga Provincial Police ang inaresto dahil sa umano'y pagkakasangkot nila sa "hulidap" modus sa ilang sabungero.

Ayon sa mga awtoridad, tatlo sa kanila ang naka-assign sa drug enforcement unit habang ang iba ay ang nakatalaga sa intelligence unit.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, nagsasagawa ng sabong ang nasa 10 sabungero sa isang compound Barangay Duat sa bayan ng Bacolor nitong Sabado ng umaga nang dumating ang mga suspek at pinag-aaresto sila dahil sa “tupada”.

Nasa P379,700 na cash at mga personal na gamit ang kinuha ng mga suspek mula sa mga biktima, ayon sa mga awtoridad.
Nasa P379,700 na cash at mga personal na gamit ang kinuha ng mga suspek mula sa mga biktima, ayon sa mga awtoridad.
ADVERTISEMENT
Pinalaya ng mga suspek umano ang mga biktima na walang pera at gamit bago sila tumakas mula sa lugar ng insidente sakay ng kanilang mga sasakyan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa kaso, habang inihahanda na ang mga naaangkop na reklamo laban sa mga suspek.—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT