Dasal at donasyon para sa pagpapagamot ng 'Mutya ng Masa', hiling ng pamilya ni Doris Bigornia

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dasal at donasyon para sa pagpapagamot ng 'Mutya ng Masa', hiling ng pamilya ni Doris Bigornia

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Kumakatok ang pamilya ng beteranang broadcaster na si Doris Bigornia sa puso ng publiko para sa panalangin at tulong-pinansiyal dahil sa pinagdaraanan ng tinaguriang “Mutya ng Masa.”

“Nasa ospital pa po si Mommy, kaya tina-try ko pong maging matatag at matapang para kay Mommy, tulad niya,” pahayag ni Nikki Bigornia.

Higit isang buwan nang naka-confine sa ospital si Bigornia. Isinugod siya sa emergency room noong Pebrero 22 matapos ma-heart attack.

“Nalaman po namin na may heart failure na po, which also means na nagha-heart attack na po siya. Nalaman din namin na marami siyang iba pang sakit. Naglabasan na po ang kaniyang mga sakit. May kidney failure na po siya. Nagda-dialysis po siya for that. Tapos diabetic po siya. At nalaman din po na may fluid in her lung area which until now, we are trying to address,” kuwento ni Nikki sa programang Lingkod Kapamilya sa TeleRadyo, Huwebes ng umaga.

ADVERTISEMENT

Naging matagumpay ang unang surgery na ginawa kay Bigornia.

Pero, nitong Miyerkoles, kinabitan siya ng pacemaker dahil mahina ang puso niya.

“Nakatulong ang surgery. Kaso kailangan ng dagdag na tulong, gamit yung pacemaker. Sa ngayon, medyo hirap po si Mommy. Kanina, nagtatanong siya kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya makahinga. Sabi naman ng doktor, magagawan pa ng paraan. Kaya kami ay humihingi ng patuloy n’yong pagdarasal para kay Mommy nang siya ay gumaling na po,” sabi ni Nikki.

Sa kabila ng hamon na pinagdadaanan, hanga pa rin ang mga anak ni Bigornia sa ipinakikita nitong katatagan.

“Yun ang nakakahanga sa kanya - lumalaban pa rin po siya. Kaso, siyempre, mahirap po makita bilang isang anak na naghihirap yung Nanay n'yo, at mas lalo na nag-iisa lang siyang magulang ko. Kaya sabi ko sa kanya, fight lang nang fight kasi kung mawala siya, wala pong matitira sa aming magulang. Siya lang po,” saad niya.

ADVERTISEMENT

Lubos naman ang pasasalamat nila sa lahat ng tumulong at patuloy na umaagapay sa pamilya.

“Nagpapasalamat kami. Ever since na-admit si Mama, maraming nag-abot ng tulong at ng kanilang mga dasal kay Mommy. Kaya maraming salamat po. Kasi, for sure, nakatulong po yun dahil narinig naman po tayo ng Diyos,” sabi niya.

Gumawa rin si Nikki ng GoGetFunding page para sa lahat ng gustong tumulong sa kanilang gastusin sa pagpapagamot sa kaniyang ina.

Bukas din ang kaniyang personal na bank account para sa nais na mag-donate.

Security Bank (Savings)
Nicole Marie B. Sungalon
0399094817025

ADVERTISEMENT

Ayon kay Nikki, nasa 7-digits na umano ang gastusin ng pamilya sa ospital. Aminado siyang hindi nila ito napaghandaan.

“Wala pong words na makakapag-express kung gaano kami nagpapasalamat sa lahat,” sabi niya.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.