2 lalaking nangholdap sa estudyante sa Sampaloc arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaking nangholdap sa estudyante sa Sampaloc arestado

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 27, 2019 09:48 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki na nangholdap sa isang estudyanteng pasakay ng jeep sa Sampaloc, Maynila noong Martes.

Sa kuha ng CCTV alas-9 ng umaga Martes, kita na nakaabang ang dalawang lalaki sa may tulay. Maya-maya pa, tumawid sila ng kalsada sabay tinutukan ng kutsilyo ang isang 21 anyos na estudyante na pasakay ng jeep.

Agad tumakas ang mga lalaki pero agad natimbog nang tiyempong may nagpapatrolyang pulis sa barangay.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodel Tereña at Juanito Laya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, target areas ng dalawa ang university belt at mga estudyante na may hawak na mamahaling cellphone.

Umamin naman ang dalawa sa ginawang panghoholdap. Naengganyo raw kasi silang gawin iyon dahil meron silang suki ng mga nakaw na cellphone.

Narekober mula sa dalawa ang isang balisong, kitchen knife, at isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Kinasuhan ng robbery-holdup ang mga suspek, na napag-alamang nakulong na noong 2017 sa parehong kaso.—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.