Lalaki libreng ooperahan para maalis ang kutsilyong nakabaon sa loob ng katawan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki libreng ooperahan para maalis ang kutsilyong nakabaon sa loob ng katawan

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 28, 2021 06:18 PM PHT

Clipboard

Makikita sa resulta ng X-Ray ni Kent Ryan Tomao na naiwan sa kanang bahagi ng kaniyang dibdib ang blade ng kutsilyo. Enero 2020 nang masaksak si Tomao, pero agad daw tinahi ang kaniyang sugat nang dalhin sa ospital sa Kidapawan City. Larawan mula kay Kent Tomao

Sasailalim sa libreng operasyon ang isang lalaking taga-Kidapawan City upang matanggal ang blade ng kutsilyo na higit 1 taon na palang nakabaon sa loob ng kaniyang katawan.

Ayon kay Dr. Joel Nelton Sungcad, chief ng North Cotabato Provincial Hospital, nakausap na niya ang pamilya ng 25 anyos na si Kent Ryan Tomao at hinihintay na lang na umuwi ito ng Kidapawan City mula Agusan del Sur para maoperahan.

"We already have negotiated with the patient's family. And we are still waiting for him to come home and have him operated in the hospital without charge," ani Sungcad sa isang pahayag.

Ayon pa kay Sungcad, dahil naghahanap ng trabaho si Tomao, baka bigyan din siya nito ng ospital, depende sa kuwalipikasyon nito.

ADVERTISEMENT

Panayam kay Kent Ryan Tomao. Video courtesy: PTV Agusan del Sur

Noong Enero 2020, isinugod si Tomao sa North Cotabato Provincial Hospital matapos masaksak ng grupo ng mga binatilyo sa Kidapawan.

Sa panayam kay Tomao, ikinuwento nito na 4 na oras siyang naghintay para maasikaso ng ospital matapos masaksak.

Nang dumating ang doktor, sinabihan umano siyang hindi na ito kailangang magpa-X-ray dahil mababaw lang naman ang sugat kaya tinahi ito agad.

Makalipas ang 14 buwan, natuklasang nakabaon pala si katawan ni Tomao ang kutsilyo.

Nagpa-X-ray si Tomao noong nakaraang linggo bilang requirement sa kaniyang pag-a-apply sa trabaho sa Agusan del Sur.

– Ulat ni Chrislen Bulosan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.