College student na sasakay ng LRT, nahulihan ng marijuana

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

College student na sasakay ng LRT, nahulihan ng marijuana

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Arestado ang isang 21-anyos na mag-aaral ng isang unibersidad sa Mendiola matapos mahulihan ng hinihinalang marijuana sa istasyon ng LRT sa Maynila.

Ayon kay Police Capt. Edwin Fuggan ng Sampaloc police station, nakita sa bag ng suspek ang isang lalagyan ng hair wax na naglaman ng mga dahon ng umano'y marijuana nang dumaan sa inspeksyon papasok ng LRT Legarda station.

Nakita ng guwardiyang si Eugene Abalon sa X-ray ang lalagyan kaya pinabuksan ang bag.

Pinakapkapan pa ang lalaki nang hindi nito ipadaan sa x-ray ang laman ng kanyang wallet. Doon naman nakita ang dalawang glass tube na may pinatuyong dahon.

ADVERTISEMENT

"Natakot na siya. Di na siya nakatakas kasi may dala siyang mga bag at kasama niya girlfriend niya," sabi ng guwardiya.

"Di niya sinurrender sa X-ray machine namin. So lahat ng 'di dinadaan pinaghihinalaan namin."

Dagdag ni Abalon, panglimang beses na siyang nakahuli ng mga estudyante na may hinihinalang marijuana sa pagbantay sa iba-ibang istasyon ng LRT.

Agad inaresto ang estudyante at ngayo'y nakakulong na sa MPD Sampaloc Station.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

- Ulat nina Jekki Pascual at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.