Lalaki timbog sa 'baril-palit-droga' sa Bacoor
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki timbog sa 'baril-palit-droga' sa Bacoor
ABS-CBN News
Published Apr 01, 2019 05:40 PM PHT
|
Updated Apr 01, 2019 10:53 PM PHT

Naaresto ang isang lalaki sa Bacoor City, Cavite na nagbebenta umano ng ilegal na droga kapalit ng baril, sabi ngayong Lunes ng pulisya.

Dinampot ng mga pulis sa isang bahay sa Barangay Zapote V si Arnold Sumacot, na dating nakulong dahil din sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Narekober ng mga pulis mula kay Sumacot ang higit 45 gramo ng shabu na nagkakahalagang tinatayang P300,000.

Nakuha rin sa suspek ang mga sumpak at mga bala ng shotgun, at isang kalibre 9-mm na baril at mga bala nito.
Nakuha rin sa suspek ang mga sumpak at mga bala ng shotgun, at isang kalibre 9-mm na baril at mga bala nito.
ADVERTISEMENT
Mga nakaw na baril ang ipinambabayad kay Sumacot ng mga bumibili sa kaniya ng droga, ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police.

Posible umanong ginagamit ng suspek sa mga "gun-for-hire" na aktibidad ang mga baril.

Itinanggi naman ng suspek ang modus na pagbebenta ng shabu kapalit ang mga baril.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT