Laboratory sa isang unibersidad sa Batangas nagsimula nang gumawa ng mga face shield

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Laboratory sa isang unibersidad sa Batangas nagsimula nang gumawa ng mga face shield

ABS-CBN News

Clipboard

Sa isang fabrication laboratory (FABLAB) ng Batangas State University ginagawa ang mga face shield gamit ang mga 3D printer. ABS-CBN News

MAYNILA - Nagsimula na ang paggawa ng mga face shield sa laboratoryo ng isang state university sa Batangas bilang tugon sa matinding pangangailangan sa mga personal protective equipment sa bansa dala ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Sa isang fabrication laboratory (FABLAB) ng Batangas State University ginagawa ang mga face shield gamit ang mga 3D printer.

Ayon sa tagapamahala ng laboratoryo na si Louie Villaverde, isang engineer, nag-umpisa silang gumawa ng mga face shield noong Lunes.

“Nakita po namin 'yung pangangailangan ng PPE so ang naisip po namin is matugunan ito through the 3D printing process," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT

Gumugol nang dalawang araw ang grupo para mapag-isipan ito lalo't kailangang gumamit ng computer software sa pagdisenyo nito.

"Ide-design po siya sa isang 3D modelling software tapos 'yung 3D modelling software na 'yun ipapasa sa sa isa pang software, 'yung slicing software na tinatawag," ani Villaverde.

Higit 1 oras ang itinatagal ng 3D printing nito. Isinasailalim ito sa ilang minutong disinfection bago lagyan ng acetate film na gagawing proteksyon sa mukha.

Hamon lang sa grupo ngayon ang kakulangan ng acetate films, ayon sa pinuno ng university na si Tirso Ronquillo.

"Ang gagawin namin, ipo-post na lang namin kung ano 'yung materyales ang kailangan," aniya.

ADVERTISEMENT

Libreng ipamamahagi sa medical frontliners ang mga face shield, ayon kay Albertson Amante, Vice President ng Research, Development and Extension services ng Batangas State University.

Inaasahan nilang tataas pa ang demand sa PPEs sa susunod na mga araw, lalo't sinabi na noong una ng Department of Health na hindi matitiyak kung hanggan kailan ang krisis ng coronavirus disease sa bansa.

Kaya panagawan nila, tumulong na rin sa paggawa ng 3D printed face shields ang iba pang fabrication laboratory sa bansa.

May ilang grupo na ang gumagawa ng mga improvised face shield sa gitna ng kakulangan sa mga ito para sa mga health worker na nasa frontlines ng paglaban sa coronavirus disease.

-- Ulat ni April Magpantay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.