Basement ng shopping mall sa Baguio nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Basement ng shopping mall sa Baguio nasunog
Micaella Ilao,
ABS-CBN News
Published Apr 03, 2019 04:44 PM PHT

BAGUIO CITY - Nasunog ang basement ng isang shopping mall sa Magsaysay sa lungsod na ito, Miyerkoles ng umaga.

Nahirapan ang mga bombero sa pag-apula ng apoy dahil sa matinding usok mula sa basement ng Tiongsan mall.

“Yung sunog po nasa pinaka-basement so hirap naming i-penetrate. Puno siya ng sunog saka walang ventilation, inantay lang namin na medyo mabawasan 'yung usok,” ayon kay Fire Chief Insp. Nestor Gorio.

Dali-daling kinuha ng mga empleyado ang mga gamit sa loob ng shopping mall. Nagdulot din ng traffic ang insidente.
Dali-daling kinuha ng mga empleyado ang mga gamit sa loob ng shopping mall. Nagdulot din ng traffic ang insidente.
ADVERTISEMENT
Umabot naman sa higit 15 na fire truck at water delivery truck ang rumesponde sa sunog.

Wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa nangyaring sunog.

Hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang danyos na dulot nito.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang may-ari ng mall.

Taong 2014 nang huli ring nasunog ang nasabing establisimyento.