2 estudyante nalunod sa Agno River

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 estudyante nalunod sa Agno River

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

Clipboard

ALCALA, Pangasinan - Nalunod ang dalawang 15 anyos na estudyante nang maligo sa Agno River Miyerkoles ng hapon.

Pawang mga residente ng Barangay Tomling sa bayan ng Malasiqui ang mga biktimang sina Adrian Palomino at Alfred Pinlac, parehong estudyante sa Grade 9.

Ayon sa kaibigan nilang si Romar Mangaoang, lima silang magkakaibigan na nagkayayaang magbisikleta at naisipang maligo sa ilog sa bahagi ng Barangay Laoac dito sa bayan.

"Tinesting nila na pumunta dun sa malalim, akala nila mababaw, tapos 'yun na po inanod na sila, tatlo po sila eh nakaligtas po 'yung isa, hawak ko po 'yung isa pero bumitaw," aniya.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman din na hindi nagpaalam ang mga bata na mamamasyal sila, at hindi rin marunong lumangoy ang dalawang biktima.

Sinubukan pang isalba ng mga residente at rescuers ang mga biktima pero huli na ang lahat.

Lagpas dalawang tao ang lalim ng parte ng ilog kung saan naligo ang mga biktima.

Ginagawang pasyalan tuwing tag-init ang Agno River kaya may mga cottage sa lugar pero walang namamahala o nagbabantay sa ilog.

Hiling nga mga residente na maglagay ng mga babala at bantayan ng barangay council ang lugar tuwing summer.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad