2 umano'y carnapper patay sa engkuwentro sa Bulacan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 umano'y carnapper patay sa engkuwentro sa Bulacan
Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Apr 07, 2018 11:56 AM PHT

MANILA - Dalawang umano’y carnapper na gumagalaw sa Region 3 at Metro Manila ang napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP HPG) sa Sta. Maria, Bulacan, Sabado ng madaling araw.

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang suspek na nakipaghabulan pa lulan ang isang silver Toyota Vios at tuluyang nakorner ng HPG sa may bahagi ng bypass road.

Ayon kay Supt. Sam Belmonte, hepe ng HPG Region 3, Biyernes pa lamang ay naispatan na ang mga suspek, dahilan para makipag-coordinate na sila sa San Jose del Monte police upang maglatag ng checkpoint.

Tiyempo namang dumaan ang mga suspek sa checkpoint Biyernes ng madaling araw ngunit nang sitahin, nagpaputok ang mga ito at pinaharurot ang sasakyan.

Walang plaka o conduction sticker ang sasakyan ng mga suspek ngunit lumabas sa pagsusuri ng chassis number na nakaalarma sa pulisya ang behikulo na isang nakaw na sasakyan.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 at .38 na baril at hindi pa mabatid na bilang ng sachets ng hinihinalang shabu.