Pagnanakaw ng 2 kawatan, sapul sa CCTV

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagnanakaw ng 2 kawatan, sapul sa CCTV

RJ Rosalado,

ABS-CBN News

Clipboard

ZAMBOANGA CITY - Nasapul sa CCTV camera ang pagnanakaw ng 2 lalaki sa isang gusali sa Calle San Jose, Martes ng gabi.

Sa kuha ng CCTV, makikita na kinuha pa ng mga magnanakaw ang isang security camera at iniba ang direksyon nito at nahagip pa ang mukha ng isa sa kanila.

Ayon kay Police Lieutenant Roy Cordero, hepe ng Investigation Section ng Police Station 11, unang pinasok ng mga magnanakaw ang bodega ng isang pharmacy at grocery store, kung saan higit P2,000 halaga ng grocery items ang kinuha nila.

Sunod namang pinasok ng mga magnanakaw ang isa pang business establishment sa pangalawang palapag ng gusali, kung saan isang laptap naman ang kanilang nakulimbat.

ADVERTISEMENT

Sa isa pang kuha ng CCTV, makikitang pinilit pang kunin ng mga magnanakaw ang isang air condition unit, gumamit pa sila ng flash light ng cellphone, habang tinitingnan ito.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga pulis na sa isang bintana sa likurang bahagi ng gusali nakapasok ang mga kawatan.

Sinira umano nila ang metal grills ng bintana para makapasok sa bodega.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Tinitingnan din nila kung may kinalaman din ang dalawa sa ibang mga nangyaring insidente ng pagnanakaw sa mga nakalipas na buwan.

ADVERTISEMENT

Samantala, tinangay naman ng magnanakaw ang bag ng isang lola habang nasa lamay ng kaniyang apo sa isang punerarya sa Calle Veterans, Martes ng gabi.

Ayon kay Erlinda Momongan, nakatulog siya sa isang upuan katabi ang kaniyang ilang kaanak nang mapansin niyang nawawala na ang bag na naglalaman ng higit P40,000, mga alahas at ATM cards.

Gagamitin sana nila ang perang nawala sa pagpapalibing sa kaniyang apo.

Umaasa na lang si Momongan na makonsensya ang kawatan at isauli sa kaniya ang ninakaw na pera.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.