DOH Davao Region, nagbabala sa pagkain ng mga shellfish dahil sa red tide
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH Davao Region, nagbabala sa pagkain ng mga shellfish dahil sa red tide
Andoreena Causon,
ABS-CBN News
Published Apr 11, 2019 10:11 PM PHT

DAVAO CITY - Muling nagbabala ang Department of Health Region XI sa publiko na iwasan muna ang pagkain ng mga shellfish na galing sa Mati City, Davao Oriental, at Sta. Maria Davao Occidental na kontaminado ng red tide.

Ayon kay Annabelle Yumang, ang regional director ng DOH XI, mararamdaman ang sintomas ng impeksiyon 30 minuto matapos ang pagkain ng mga kontaminadong shellfish.

Ilan sa mga sintomas ng red tide poisoning ay ang pamamanhid ng bibig, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, at panghihina ng katawan.

Paalala ng DOH na dalhin agad sa ospital kung makakaranas ng mga sintomas, dahil maaaring ikamatay ng pasyente ang dehydration dulot ng loose bowel movement (LBM) at kung maaapektuhan ng neurotoxins ang nervous system.

“Sa mga tao labaw na sa mga lugar nga na declare nga naa silay red tide poisoning, among gina-awhag sila nga dili sa mokaon og katong mga shellfish. Kinahanglan dili pod sila mokaon og alamang ug gagmay nga isda,” ani Yumang.

(Sa mga tao, lalo na sa mga lugar na nadeklara na may red tide poisoning, inaabisuhan sila na hindi muna kumain ng shellfish. Kailangan, hindi din sila kakain ng alamang at maliliit na isda.)

Dahil dito, gulay at isda na lang ang binili ni Avenida Mullot kahit pa paborito ng kaniyang pamilya ang shellfish.

“Mahilig gyud mi ana, labi nang tahong among adobohon, usahay sabawon ba. Pero sa pagka-karon wala ko nagpalit ana kay kanang red tide na," ani Mullot.

(Mahilig kami niyan, lalo na ang adobo o sinabawan na tahong. Pero sa ngayon, hindi muna ako bumili dahil sa red tide.)

Humina naman ang kita ng mga shellfish vendors, mula sa dating P10,000 na income kada araw, ngayon aabot nalang sa P3,000.

Wala pang record ang DOH XI na taong nagkasakit matapos kumain ng shellfish na kontaminado ng red tide sa Davao Region.