Sunog sumiklab sa Bontoc, Mountain Province

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa Bontoc, Mountain Province

ABS-CBN News

Clipboard

 Courtesy of Mountain Province DRRM Office Facebook Page
Courtesy of Mountain Province DRRM Office Facebook Page

Sumiklab ang sunog sa ilang bahay at business establishments sa Bontoc, Mountain Province umaga ng Martes, ayon sa disaster management office ng lalawigan.

Bandang alas-2 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa Barangay Poblacion, at 7:20 ng umaga na nang magdeklara ng fire out, ayon sa Facebook post ng Mountain Province Disaster Risk Reduction and Management Office.

Walang naitalang nasaktan o namatay sa insidente, ayon sa provincial government.

Ayon sa PDRRMC, may naitala nitong alas-9 ng umaga na 18 pamilya o 87 na mga indibidwal na apektado umano ng sunog, at pansamantalang nasa All Saints Mission Evacuation Center sa bayan. May siyam na student boarders rin ang ibibiyahe umano pa-Betwagan, Sadanga.

ADVERTISEMENT

Namigay ng family aid and food packs, at hygiene kits sa mga apektado ang PDRRM Council.

Nag-anunsyo si Bontoc Mayor Jerome Tudlong, Jr. na suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa buong munisipalidad, ayon sa Facebook page ng munisipalidad.

Wala pang nababanggit ang Mountain Province DRRMO hinggil sa sanhi ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.

- may ulat ni Harris Julio, at Ian Jay Capati, ABS-CBN News Intern

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.