Kumbento sa QC, nasunog; madre, fire volunteer nasugatan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kumbento sa QC, nasunog; madre, fire volunteer nasugatan

Ernie Manio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 13, 2019 09:30 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATED) - Nasunog ang isang kumbento sa Dama de Noche St., Barangay Mariana, Quezon City Sabado ng hatinggabi.

Nagtamo ng minor burn ang isang madre habang nasugatan ang isang fire volunteer, pero walang malubhang nasaktan sa insidente.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis kumalat ang apoy dahil luma na umano ang gusali.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Luma kasi ang main structure kaya kahit sa second nag-start gumapang pababa hanggang sa buong building ang sunog," ani Fire Chief Insp. Gilbert Valdez ng Quezon City Fire District.

ADVERTISEMENT

Agad itong itinaas sa ikalawang alarma at nadamay rin ang 3 town house sa tabi ng kumbento. Electrical short circuit ang tinitingnang sanhi ng sunog.

"Walang tao sa kuwarto. Wala naman nagluluto. Walang naninigarilyo. Kuryente ito," dagdag ni Valdez.

Tinatayang nasa P70,000 ang halaga ng natupok na ari-arian. Hindi na nagpaunlak ng panayam ang mga madre.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.