DepEd: Batikos dahil sa mga maling sagot sa 'PBB' history game, 'di patas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DepEd: Batikos dahil sa mga maling sagot sa 'PBB' history game, 'di patas

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 13, 2022 08:07 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

"Unfair" o hindi patas kung "ipapako sa krus" ang Department of Education kasunod ng maling sagot ng mga "Pinoy Big Brother" teen housemate sa mga tanong tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, sinabi ng isang opisyal ngayong Miyerkoles.

Nag-viral kamakailan sa social media ang maling bansag ng teen housemates sa Filipino martry priests na GomBurZa, na tinawag nilang "MaJoHa" base sa kanilang mga unang pangalan sa halip na apelyido.

Umani ito ng iba-ibang reaksiyon. May mga nagsabing dapat paigtingin ang pagtuturo ng history, tulungan ang mga kabataang magkaroon ng interest matuto, at tingnan ang sistema ng edukasyon at kung paano sinusuportahan ng mga magulang sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, maaaring naituro naman sa mga kabataan ang GomBurZa at kasaysayan ng bansa pero nakalimutan na lang nila ito.

ADVERTISEMENT

Dapat din umanong tingnan na ang pagkatuto ay hindi lang responsibilidad ng DepEd at mga guro.

"Mali 'yong sagot at dapat paigtingin talaga ang pagtuturo ng napakamahahalagang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating pagiging mga Pilipino at importante iyong kasaysayan. Pero kung ipapako naman sa krus ang DepEd sa mga ganoong sagot ng mga sumasali sa mga ganyang palabas ay parang unfair naman," ani San Antonio.

Ayon naman kay Teachers' Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas, dapat ibalik ng DepEd ang pagkakaroon ng dedicated subject para sa Philippine history sa high school, na inalis noong 2014.

"Thanks to that episode of 'PBB' kasi na-highlight, napag-uusapan ito. At baka naman by this revelation, maisip na uli ng DepEd na ibalik na ito," ani Basas.

Ngayon kasi, hanggang Grade 6 lang tinuturo ang Philippine history bilang dedicated subject, paliwanag ni Basas.

ADVERTISEMENT

Pero ayon kay San Antonio, natatalakay pa rin ang Philippine history sa high school.

"Hindi naman mali na nilagay natin sa Grade 5 at Grade 6 ang pagtuturo ng Philippine history. Mas maganda nga, mas bata pa, mas napapalalim na ito," ani San Antonio.

"Hindi naman natin inaabandona ang Philippine history sa high school... 'Pag inaral mo 'yong Asian history ang lens mo ay iyong kasaysayan ng Pilipinas... 'yon namang World History, ganoon din," paliwanag niya.

Ayon kay San Antonio, ongoing ang curriculum review ng DepEd sa K-12, na nakatuon sa foundation skills sa pagbabasa, at mathematical at socio-emotional skills ng mga kabataan.

Work in progress din aniya ang paghahatid ng de kalidad na edukasyon sa bansa.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala naman ang historian na si Xiao Chua sa publiko na maghinay-hinay sa panghuhusga sa mga kabataan.

"You don't expect naman na alam ng lahat ang detalye ng kasaysayan. I don't," ani Chua.

"Siguro ang iba disappointed not necessarily sa lack of knowledge ng history kundi doon sa tinatawag na lack of intellectual curiosity. Ibig sabihin, tagal mo nang nabuhay, hindi mo pa alam iyong ibang bagay tungkol sa paligid mo. Kasi 'di ba lagi naman nababanggit iyong GomBurZa. May mga Gomburza Street," aniya.

Sa isang tweet, sinabi naman ng "PBB" host na si Robi Domingo na sa una'y nakakatawa ang nangyari pero habang tumatagal, hindi na ito nakakatuwa.

Sana maging daan umano ang insidente para makita ang kakulangan sa sistema ng edukasyon sa bansa.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.