Look good, feel good: Libreng gupit para sa mga frontliner, inilunsad sa Vigan City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Look good, feel good: Libreng gupit para sa mga frontliner, inilunsad sa Vigan City

Ria Galiste,

ABS-CBN News

Clipboard

Inilunsad ng magkaibigang Oliver Aludino at Julius Agam ang libreng gupit para sa frontliner bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo sa panahon ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 sa bansa. Larawan mula kay Edred Piamonte

VIGAN CITY - Libreng gupit ang handog sa frontliners ng magkaibigang freelance hairdresser at haircutter na sina Oliver "Baber" Aludino at Julius "Julia" Agam, Miyerkoles ng umaga.

Ito ay tanda ng kanilang pasasalamat sa frontliners ng Vigan City.

Naisipan nilang gawin ito upang "looking good" at "feeling good" pa rin ang frontliners kahit na mahirap ang kanilang trabaho ngayong may banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Isang buwan na ring sarado ang barbershops at parlors sa lungsod dahil sa enhanced community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon.

ADVERTISEMENT

Halos umabot sa 50 frontliners ang nagupitan ng dalawa sa aktibidad na ginawa sa Vigan City Hall.

Ang libreng gupit ay tatagal hanggang Huwebes, Abril 16.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.