Bagahe, 'di nagbago ng timbang' kahit sinabing ninakawan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagahe, 'di nagbago ng timbang' kahit sinabing ninakawan
ABS-CBN News
Published Apr 16, 2018 11:07 PM PHT

Hindi nanakawan ang isang pasahero sa airport, taliwas sa sinasabi nitong nawalan siya ng gamit sa kaniyang checked-in baggage, iginiit ng general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Parehong 8 kilo ang timbang ng bagahe bago sumakay sa Cebu Pacific flight mula Hong Kong ang pasahero, at nang lumapag ito sa Maynila nitong Sabado, Abril 14, ayon kay kay MIAA general manager Ed Monreal.

"Makakapag-conclude tayo na wala[ng nawawala] dahil pareho ang timbang [ng bagahe]," ani Monreal sa panayam ng "Dos por Dos" ng DZMM.

"Hindi ho namin ma-establish 'yon [pagnanakaw]."
"Hindi ho namin ma-establish 'yon [pagnanakaw]."
ADVERTISEMENT
Nakuhanan at ini-upload ni Joseph Bacalso Carillo ang mistulang pagwawala ng babaeng pasahero dahil sa aniya'y nawawalang gamit sa kaniyang bagahe.

"This is f***g ridiculous. Hindi man lang ninakaw yung mga damit," maririnig ang pasaherong sinasabi sa video

"'Sabi ko na nga ba, sabi ko na nga ba, nagkakanakawan pa rin dito,' tapos walang lumalapit sa kaniyang airport security," kuwento ni Carillo sa kaniyang nakitang reaksiyon ng babae.

Sa isang pahayag, sinabi ng Cebu Pacific na bago pa sumakay sa Cebu Pacific Flight 5J 113 patungong Maynila ang babae, sumakay muna siya sa isa pang airline mula London papuntang Hong Kong kung saan kinuha pa niya ang kaniyang bagahe para sa connecting flight.

“As such, we are coordinating with ground handlers at the Hong Kong International Airport to trace the handling of the passenger’s baggage from the time she arrived in Hong Kong,” saad ng pahayag ng Cebu Pacific.

(Nakikipag-ugnayan na kami sa ground handlers ng Hong Kong International Airport para matukoy kung ano'ng pinagdaanan ng bagahe ng pasahero.)

Makikita rin daw sa security footage na naka-lock pa ang bagahe ng pasahero nang dumating ito sa Maynila.

“We are in touch with the passenger concerned and shall update her when more details are available," saad ng pahayag.

(Nakikipag-ugnayan din kami sa pasahero ukol dito.)

"Kung talagang sabi may nawawala, ang airline po i-settle dapat po as claimed by the passenger," sabi naman ni Monreal.

"Ineeksplika po nila sa pasahero na hindi po dapat sila naglalagay ng electronic device, which is totoo naman po talaga, hindi ho dapat 'yong mga importante [inilagagay sa checked-in baggage]."

Sa impormasyong nakarating kay Monreal, nawawala umano mula sa bagahe ng pasahero ang apat na klaseng pabango, isang tablet, at ilang tsokolate.

Nito lang Enero, kinansela ng NAIA at Clark International Airport ang kontrata ng ground-handling company na MIASCOR kasunod ng isyu ng pagnanakaw sa bagahe ng OFW.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Dos por Dos
pasahero
airport
paliparan
bagahe
checked-in baggage
airport incident
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT