Mga beach resort sa Samal Island, ininspeksiyon
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga beach resort sa Samal Island, ininspeksiyon
Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Apr 18, 2018 09:24 PM PHT

DAVAO CITY - Binisita ng Davao del Norte Provincial Environment and Natural Resources Office, Environmental Management Bureau XI, at City Environment and Natural Resources Office ang mga beach resort sa Island Garden City of Samal nitong Miyerkoles.

Ito na ang ikalawang linggo ng paglilibot sa mga beach resort upang masiguro kung sumusunod ang mga ito sa batas.

Hinanap ang permit at environmental compliance certificate ng mga resort. Tinanong rin ang mga may-ari hinggil sa pagsunod nila sa Clean Air Act, Toxic Substance and Hazardous Waste Management Act, Clean Water Act, at Ecological Solid Waste Management.

Sinukat naman ng kawani ng PENRO ang mga istrukturang pumasok sa easement zone.
Sinukat naman ng kawani ng PENRO ang mga istrukturang pumasok sa easement zone.
ADVERTISEMENT
Sa Samal Island, tatlong metro ang easement zone sa urban area habang 10 metro naman ang easement zone sa tourism coastal area, base sa Comprehensive Land Use Plan Zoning Ordinance ng isla.

Ang easement zone ay parte ng baybayin na wala dapat na nakatayong permanenteng istruktura na itatayo dahil dapat bukas ito sa publiko.

Ayon sa City Environment Officer na si Arnel Acedillo, halos lahat sa kanilang napuntahan na resort ay lumabag sa easement zone.

"Diri sa Samal, makita nimo kung kinsa ang nagbutang og pantalan halos gyud mostly sa ilang resort naa man silay pantalan nga nawala ang easement right sa tao makaingon ko mostly gyud nagviolate," ani Arnel Acedillo, City Enro.

(Dito sa Samal makita mo kung sino talaga ang naglagay ng pantalan dahil halos sa mga resort may pantalan na, nawala na ang easement right sa tao so masasabi ko mostly sila nag-violate.)

Ayon naman sa EMB, karamihan rin sa mga resort hindi alam ang mga environmental laws kaya wala rin silang mga permit na kinukuha.

"In general, they are not ware of the environmental laws...like the Clean Air Act, RA 9275, Clean Water Act and RA 6969. Sa Toxic Substances and Waste Management Act dapat naa sila esecure nga permit ana," ani Engr. Myhrra Fair Llanos Barquilla ng EMB XI.

Bukas naman sa kung ano ang magiging desisyon ang tagapamahala ng resort na si Ching Dumay.

"Willing kaayo makayo man na mao man ang among negosyo ang dagat man dapat musunod gyud ta kung unsa ang naa sa balaod," aniya.

(Wiling kami dahil maganda ito, ito ang aming negosyo ang dagat, dapat talaga na sumunod sa batas.)
(Wiling kami dahil maganda ito, ito ang aming negosyo ang dagat, dapat talaga na sumunod sa batas.)
ADVERTISEMENT
Binigyan ng 30 araw ang grupo sa pagsagawa ng inspeksiyon sa mga resort.