Vlogger sinermonan matapos hikayatin ang paglabas ng bahay kahit quarantine
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vlogger sinermonan matapos hikayatin ang paglabas ng bahay kahit quarantine
Rod Bolivar,
ABS-CBN News
Published Apr 19, 2020 05:21 PM PHT

CAGAYAN DE ORO CITY — Isang vlogger sa lungsod na ito ang nakatikim ng sermon mula sa mga awtoridad matapos umano niyang hikayatin ang mga taong lumabas ng bahay kahit pa may umiiral na "stay-at-home policy" kontra COVID-19.

Mismong mga taga-City Regulatory Compliance Board (RCB) kasama ang mga pulis ang sumugod sa bahay ng di pinangalanang vlogger noong Sabado para hingan ng paliwanag ukol sa post niya noong Huwebes.

Sa post, tinawag umano ng vlogger na "walanghiya" ang lockdown sabay paanyaya sa mga tao na lumabas. Umani ng higit 11,000 views at higit sa 200 shares ang kaniyang video.

"Iyan ay non-cooperation sa Republic Act 11332 dahil nasa panahon tayo ngayon ng public emergency health crisis," ani Antonio Resma, opisyal ng RCB.

Nag-upload ng public apology ang vlogger at hinikayat ang netizens na sundin ang payo ng mga awtoridad na manatili sa bahay.

Tinanggap ng RCB ang public apology pero prineserba pa rin ng PNP Cybercrime Unit ang kaniyang video para gawing ebidensya sa isasampang kaso sakaling sumuway muli ito sa quarantine.