'Lasing' na lalaki nag-amok, minura ang mga tanod sa Calamba checkpoint

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Lasing' na lalaki nag-amok, minura ang mga tanod sa Calamba checkpoint

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Ipinapaaresto na ng lokal na pamahalaan ng Calamba City, Laguna ang isang lalaki na umano'y lasing na pinagmumura ang mga barangay tanod sa checkpoint noong Sabado.

Sa kuhang video noong Sabado, kitang galit na galit ang isang lalaki at hinahamon ng away ang mga barangay tanod na nagbabantay sa checkpoint sa Barangay Pansol.

Makikita na pinapakalma na siya pero tuloy pa rin sa pagmumura ang suspek.

Ayon sa Public Order and Safety Office ng Calamba, lasing ang lalaki at nagalit nang hindi payagang makadaan sa checkpoint.

ADVERTISEMENT

Hindi naaresto ang lalaki dahil nakatakas siya bago pa dumating ang mga pulis.

"Tinawagan ko na ang chairman ng peace and order ng Barangay Pansol to investigate at masampahan ng kaso ang taong ito," ani Jeffrey Rodriguez, head ng Calamba City Public Order and Safety Office.

Kasong disobedience, paglabag sa liquor ban, at discrimination sa mga frontliners ang isasampa sa lalaki.

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.