Eid'l Fitr isasagawa sa Abril 22

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Eid'l Fitr isasagawa sa Abril 22

Michael Joe Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

ABS-CBN News/file
Nagtipon-tipon ang Muslim community sa Quezon Memorial Circle para sa Eid al-Fitr. Mark Demayo, ABS-CBN News/file

MAYNILA — Ipagdiriwang nitong Sabado ng Muslim community sa Pilipinas ang Eid’l Fitr o ang katapusan ng buwan ng Ramadan.

Ito'y matapos i-anunsiyo ng komunidad na hindi nakita ang buwan sa isinagawa nilang moonsighting.

Una nang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na holiday ang Abril 21 bilang paggunita sa naturang araw sa Pilipinas kung saan 6.9 milyon ang mga Muslim o 6 porsyento ng buong populasyon, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority nitong 2023.

Ginugunita ang Eid’l Fitr sa unang 3 araw ng Shawwal o ang ika-10 buwan sa Islamic calendar.

ADVERTISEMENT

Nakabatay ang kalendaryong ito sa mismong pagpapalit ng buwan kaya nagbabago-bago ang petsa ng pagdiriwang taon-taon.

Sagrado ang buwan ng Ramadan na ginugunita sa pamamagitan ng fasting at pagdarasal.

Hindi kumakain at umiinom ang mga Muslim mula pagsikat hanggang paglubog ng araw.

Sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, nagre-reunion ang mga magkakamag-anak at magkakaibigan; ang iba naman ay bumibisita rin sa yumao.

“Talagang mahigpit ang pagyakap ng mga Muslim kapag araw ng Eid,” saad ni Jadjurie Arasa ng Blue Mosque sa Taguig City.

ADVERTISEMENT

Bukod dito, naghahanda, nagbibigayan ng regalo, at nagsusuot ng bagong damit ang mga Muslim.

“Lahat ng kamag-anak mo, kailangan, kung mayroon kayong… halimbawa, misunderstanding, kailagan magpatawad ang bawat isa. Forgive and forget,” ani Arasa.

Sa selebrasyong ito, nagpapasalamat ang mga Muslim kay Allah sa tagumpay ng panahon ng reflection at fasting.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.