Bilang ng mga nasawi sa Luzon quake nadagdagan pa
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bilang ng mga nasawi sa Luzon quake nadagdagan pa
ABS-CBN News
Published Apr 23, 2019 10:23 AM PHT
|
Updated Apr 23, 2019 11:57 AM PHT

MAYNILA (UPDATE) -- Higit 15 na ang naitalang patay nang tamaan ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang parte ng Luzon nitong Martes.

Aabot sa 15 ang naitalang patay sa probinsiya ng Pampanga, ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda.

Ito ay matapos umanong makakuha pa ng ilang bangkay sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga, aniya.

Bukod pa rito, may tatlo pang patay na naitala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Pampanga ngayong umaga.

Namatay naman sa Lubao ang isang 56 anyos at ang kaniyang 7 anyos na apo matapos matabunan ng mga pader.

Nagdulot din ng landslide ang lindol sa Zambales, kung saan namatay ang 6-taong gulang na bata sa pagguho.

Ayon kay Pineda, bagaman may nakikita pang mga bangkay sa gusali ay mas inuuna nilang masagip ang mga buhay pa.

“Ito po ang priority 'yung meron talagang dumadaing sa loob,” aniya sa programang "Headstart" ng ANC nitong umaga ng Martes.

Dagdag ni Pineda na maaari pang madagdagan ang bilang ng mga namatay dahil ngayon pa lamang dumarating ang mga casualty report sa ilang panig ng probinsiya.

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Porac matapos ang lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa Castillejos, Zambales bandang alas-5:11 ng hapon.

-- May ulat nina Joyce Balancio at Michael Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT