Umano'y online scammer huli sa entrapment sa QC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y online scammer huli sa entrapment sa QC

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 27, 2019 08:49 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Arestado sa entrapment operation noong Biyernes ang isang lalaki na miyembro umano ng online scamming group na tumatangay ng pera mula sa kanilang buyers.

Kinilala ang suspek na si alyas "Bogart" na nanloko umano sa isang online customer na bibili sana ng solar water heater.

Ayon kay Police Lt. Col. Reyson Bagain, modus ng grupo na mag-post sa online selling site para makahanap ng tatargetin.

Kapag naikasa na ang transaksiyon at nakapag-downpayment na ang kostumer, hindi na daw magpaparamdam ang seller.

ADVERTISEMENT

"After kayo makipag-deal sa contact, you are advised to deposit para sa product. After ma-deposit ang amount, di na sila makokontak," ani Bagain.

Iba-iba rin umano ang nakakausap ng kostumer para hindi agad sila matunton.

"Kapag tinawagan mo sa site, may isang sasagot ipapa-deposit ang pera sa bank account na di niya kakilala... May layering para di mo sila ma-trace," ani Bagain.

Natunton si Bogart nang makuha ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bank account.

Tumanggi ang suspek sa krimen at sinabing nagkataon lang na hindi natuloy ang installation ng naturang kliyente.

"Marami na kaming na-install na water heater," katuwiran ni Bogart.

Nahaharap si Bogart sa kasong estafa habang pinaghahanap pa ang kaniyang mga kasamahan.

-- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.