Mga may comorbidity mahalagang mabakunahan, ayon sa mga doktor
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga may comorbidity mahalagang mabakunahan, ayon sa mga doktor
ABS-CBN News
Published Apr 27, 2021 07:03 PM PHT
|
Updated Apr 28, 2021 07:12 PM PHT

Nagpabakuna na kontra COVID-19 ang tricycle driver na si Ralito Rosete, na bukod sa may sakit sa puso ay mayroon ding diyabetes at altapresyon.

"Pandepensa ko na rin 'yon sa sarili ko, sa pamilya ko," ani Rosete.

"Ginrab ko 'yong opportunity para magpa-inject. Ang tagal ko nga nagpa-schedule eh," aniya.

Pero ang senior citizen na si Ramon Opiana, na nakararanas ng high blood pressure, may mga pangamba sa bakuna.
Pero ang senior citizen na si Ramon Opiana, na nakararanas ng high blood pressure, may mga pangamba sa bakuna.
ADVERTISEMENT
"Ayoko magpabakuna dahil hindi natin alam ano kasasapitan niyan eh kaya wala muna," sabi ni Opiana.

Sa webinar nitong Martes, iginiit ng Philippine College of Physicians na kailangan ng mga may kondisyong medikal o comorbidities ang bakuna kontra COVID-19.

"Kasi hindi lang mild ang kanilang (mga may comorbidity) magiging COVID kundi maaaring maging moderate hanggang severe," sabi ni Dr. Nemencio Nicodemus.

Binanggit sa webinar ang Journal of Diabetes Science and Technology na nagsabing mataas ang tsansa na maospital kapag nahawa ng COVID-19 ang may asthma, altapresyon, sobra sa timbang o obese, diyabetes, may sakit sa bato o chronic kidney disease, severely obese, at may higit 2 comorbidity.

Isa sa 9 na nagkakasakit sa COVID-19 ay may diyabetes.
Isa sa 9 na nagkakasakit sa COVID-19 ay may diyabetes.
ADVERTISEMENT
"Ang tsansa ng isang pasyenteng may diabetes na may COVID-19 na mamatay ay doble kompara sa isang taong walang diabetes," ani Nicodemus.

Isa naman sa 5 Pinoy ang may altapresyon.

Ayon kay Dr. Deborah Ona ng Philippine General Hospital, puwedeng magpabakuna kahit umiinom ng ng maintenance na gamot.

Nasa 20 porsiyento naman ng may COVID-19 na may sakit sa bato at nagda-dialysis o nag-kidney transplant ang maaaring mamatay, sabi ni Dr. Maaliddin Biruar ng Philippine Society of Nephrology.

"Kung kayo po ay nagda-dialysis at nagka-COVID-19 kayo, mas madali po kayong magkaroon ng severe disease at mas mataas po 'yong risk na kayo ay mamatay... dahil mahina po ang inyong immunte system katulad din po ito ng transplant patients."

Muli namang nagpaalala ang Department of Health na hindi porket nabakunahan na ang isang tao ay hindi na siya susunod sa minimum health standards.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
bakuna
Covid-19 vaccine
comorbidities
people with comorbidities
Philippine College of Physicians
Philippines Covid-19 vaccination
Covid-19 vaccination program
Covid-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT