What The Fake? 6 sa 10 estudyante bagsak sa pagtukoy ng fake news, base sa online quiz
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
What The Fake? 6 sa 10 estudyante bagsak sa pagtukoy ng fake news, base sa online quiz
ABS-CBN News
Published May 02, 2022 01:00 PM PHT

Anim sa 10 estudyante ang bagsak sa pagkilatis at nabibiktima ng fake news na talamak ngayon sa social media.

Sa panayam ng Teleradyo, ipinaliwanag ni Ateneo School of Government associate professor Imelda Deinla na gumawa sila ng online quiz para maging diagnostic test sa kakayahang makatukoy ng fake news.

"Batay sa aming pagsisiyasat, ang pumasa lang doon sa fake news quiz namin... ay 38 percent lang. Ibig sabihin, mahigit 60 percent ay sumemplang doon sa aming fake news quiz," ani Deinla.

"Bunga po 'yan ng kanilang long exposure sa social media na din, lalo na sa Facebook," aniya.
"Bunga po 'yan ng kanilang long exposure sa social media na din, lalo na sa Facebook," aniya.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Deinla, mahalagang maging mapanuri ang kabataan at mga botante ngayong halalan sa mga impormasyong natatanggap nila, lalo't malalim at malawak ang epekto ng misinformation at disinformation.

Ilan aniya sa mga notoryus na uri ng fake news ang quote cards at spliced video na pinagmumukhang galing sa mainstream media, at nagdudulot ng matinding emosyon sa audience.

Bukod pa rito ang papel ng trolls at algorithm sa social media.

Payo ni Deinla: "Kailangan maging maingat at maging discriminating sa pagtanggap ng content, lalo na sa social media."

"Sana ibukas ang kaisipan na maghanap ng ibang sources, lalo na, pumunta sa mainstream media kasi fina-fact check naman karamihan ng content ng mainstream media," dagdag niya.

Noong nakaraang taon, lumabas sa pag-aaral ng Boses Pilipinas — na kinabibilangan din ni Deinla — na hirap ang mga college student sa Pilipinas na tumukoy ng fake news.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
fake news
disinformation
misinformation
Ateneo School of Government
Boses Pilipinas
What the Fake
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT