Alert level 1 status idineklara sa Mt. Bulusan sa Sorsogon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alert level 1 status idineklara sa Mt. Bulusan sa Sorsogon

ABS-CBN News

 | 

Updated May 05, 2019 05:42 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) — Dahil sa mga pagbabago sa normal nitong kondisyon, itinaas ngayong Linggo sa alert level 1 ang status ng Mount Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, kabilang sa mga "abnormal" na aktibidad ng bulkan ang pagdami ng seismic activity nito mula Sabado.

"Dahil ito sa bahagyang pagtaas ng nabibilang naming lindol at saka bahagyang pagtaas ng temperatura ng hot springs sa paligid ng bulkan at bahagyang pamamaga ng bulkan," sabi ni Phivolcs volcanologist Paul Alanis.

Nasa 16 na volcanic earthquakes din ang naitala.

ADVERTISEMENT

May pamamaga rin sa itaas na bahagi ng bulkan mula Abril 29 hanggang Mayo 5, at pagtaas sa water temperature sa monitored hot springs.

"Iyung activity maaaring hydrothermal o galing sa mainit na tubig so maaari tayong makaroon ng maliliit na pagputok o phreatic eruptions," dagdag ni Alanis.

Abiso ng Phivolcs sa publiko, iwasan ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone, gayundin sa extended danger zone ng Mt. Bulusan.

Pinaiiwas din ang mga piloto sa paglipad malapit sa tuktok ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, walang nagbabadyang magma eruption kundi mga steam-driven eruption lamang na sanhi ng hydrothermal processes.

Mayo 2015 nang huling itaas ang alert level 1 sa Mt. Bulusan at ibinalik din sa alert level 0 noong Agosto 2018 bago muling itaas ang alert level 1 ngayong araw.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.