Mga pulis namahagi ng gatas para sa mga frontliner sa Laguna
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pulis namahagi ng gatas para sa mga frontliner sa Laguna
ABS-CBN News
Published May 05, 2020 03:20 PM PHT
|
Updated May 05, 2020 05:17 PM PHT

MAYNILA - Namahagi ng aabot sa 500 litrong fresh milk ang pulisya ng bayan ng Lumban, Laguna para sa mga kapwa-frontliner sa Laguna.

Parte ito ng kanilang Labor Day campaign para mapasalamatan ang mga frontliner na naglilingkod ngayong may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Katuwang ng pulisya ang ACDI Multipurpose Cooperative sa pamamahagi ng tiglilimang litrong gatas, ayon kay Lumban police chief Glenn Cuevas.

Inabot nang 3 araw ang pamamahagi ng gatas, na ibinigay sa mga medical at security frontliners ng Lumban at sa mga karatig-bayan gaya ng Paete, Kalayaan, Cavinti, at Pagsanjan.

Malaki ang pasasalamat ng mga local authorities sa tulong ng pulisya.

"Malaking tulong po ito sa mga frontliner na nagbabantay sa lahat ng sulok ng aming barangay," ayon kay Ariel Anonuevo ng Barangay Segunda Pulo.

"Kami po ay nagpapasalamat sa Lumban MPS, sa pagbibigay sa amin ng gatas malaking tulong po ito sa aming frontliner para magbigay ng karagdagang sustansya ng katawan," ani Pagsanjan police chief Ricardo L. Cuevas.

-- Ulat ni Dyan Loquellano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
COVID-19 Philippines update
public service
bayanihan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT