Dry run ng provincial bus ban sa EDSA itinigil muna

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dry run ng provincial bus ban sa EDSA itinigil muna

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pansamantala munang itinigil ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng pag-alis ng mga provincial bus sa EDSA.

Ito ay para pagbigyan ang mga uuwi ng probinsiya para bumoto sa halalan sa Mayo 13.

Ibig sabihin, tuloy pa rin ang paggamit sa 47 provincial bus terminals sa EDSA, at hindi muna ipagagamit ang mga interim bus terminal sa Valenzuela City at Santa Rosa, Laguna.

Pero ipinaalala ni MMDA Chief Traffic Inspector Bong Nebrija na bawal pa ring magbaba at magsakay ng mga pasahero sa EDSA.

ADVERTISEMENT

"Puwede lang po kayo pumik up at mag-drop off ng passengers in your own terminals," ani Nebrija.

Habang walang dry run, aayusin ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga panuntunan sa pag-alis sa mga terminal sa EDSA.

Inaayos na rin ng LTFRB ang operasyon ng mga maaapektuhang city bus na biyaheng Santa Rosa at Valenzuela.

Pag-aaralan din ang posibleng re-routing ng mga city bus papunta sa 2 terminal, ani LTFRB Chairman Martin Delgra.

Wala pang petsa kung kailan babalik ang dry run at kung kailan ang pagpapatupad ng provincial bus ban sa EDSA. --Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.