Pagbibigay ng limos sa mga garbage collector sa Quezon City, bawal ayon sa LGU

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbibigay ng limos sa mga garbage collector sa Quezon City, bawal ayon sa LGU

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2020 07:51 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Nagpaalala ang Quezon City sa mga residente nitong Miyerkoles na huwag magbigay ng anumang uri ng limos sa mga garbage collector.

Mahigpit kasi umano itong ipinagbabawal, ayon sa Quezon City Task Force on Solid Waste Management.

Ipinalabas ang anunsyo matapos ipag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang imbestigasyon sa mga report na ilang waste collection crew ang nagso-solicit kasabay ng pangongolekta ng basura.

Sa reaksyon sa ilang post sa social media, ilang residente ang nagsabi na may ilang garbage collector ang hindi kinukuha ang basura kung hindi bibigyan ng pera, ngunit marami ang nagsabi na kusang loob silang nagbibigay sa mga kolektor.

ADVERTISEMENT

Maglalabas din ng memo ang Quezon City upang agad i-monitor at agad mai-report ang mga makikitang pagkukulang sa solid waste management at sanitation.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.