Ginang na nambubudol umano ng mga OFW timbog sa Ermita
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ginang na nambubudol umano ng mga OFW timbog sa Ermita
ABS-CBN News
Published May 07, 2021 06:37 AM PHT

Kulong ang 50 anyos na ginang na suspek sa pagnanakaw sa Ermita, Maynila.

Isang aplikante na OFW ang humingi ng tulong sa Ermita Police matapos umanong tangayin ng suspek, residente ng lungsod ng Dasmariñas, Cavite, ang kaniyang bag na naglalaman ng cellphone, wallet, at wedding ring.

Nagkakilala ang dalawa Miyerkoles at nagkasama pa sa isang kainan sa UN Avenue.

Nakunan pa ng CCTV ang biktima na hawak ang kaniyang pulang bag habang nagbabayad at bitbit din ng suspek ang kaniyang itim na bag.

Pero paglabas sa kainan, dala na rin ng suspek ang bag ng kasama.

Sa followup operation ng Bocobo PCP, inaresto ang suspek nang muling namataan sa isang medical clinic sa lugar.

Ayon kay Police Lt Col Evangeline Cayaban, Ermita police commander, modus operandi ng suspek ang magpanggap na aplikante rin para makuha ang loob ng biktima.

Lumalabas din sa imbestigasyon na 2007 pa ito ginagawa ng suspek at labas-masok na rin siya sa kulungan.

Wala nang naibalik sa gamit ng biktimang aplikante at nakumpirma rin sa kaniyang bangko na nai-withdraw na rin ang kaniyang P50,000.

Pero itinatanggi ng suspek na siya ang naglabas ng pera sa bangko.

Kakasuhan siya ng theft at nananawagan din ang kapulisan na lumapit sa kanila ang mga nabiktima na rin noon.

Pinaalalahanan din ng mga awtoridad ang publiko na huwag basta-bastang magtitiwala nang hindi mabiktima ng mga kawatan.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT