#Halalan2022: Paghahatid ng VCMs para sa halalan, nagpapatuloy
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#Halalan2022: Paghahatid ng VCMs para sa halalan, nagpapatuloy
ABS-CBN News
Published May 07, 2022 07:21 PM PHT

MAYNILA - Nagpapatuloy ang paghahanda ng mga voting precinct at paghahatid ng mga vote-counting machine sa huling dalawang araw bago ang Halalan 2022.

Winasak na ng Commission on Elections ang mga depektibong balota at mga balotang ginamit sa public testing at demonstration ng vote counting machines.

Nagdagdag din sila ng mga makuna at SD cards na kailangang palitan bago ang halalan.

Wala pang isang milyon ang mga balotang tinupi at pinunit sa tatlong bahagi, na katumbas ng 1 porsiyento ng 67.4 milyong balota na inimprenta.

Ayon kay acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ito ay dahil bawal magsunog ng balota.

“First, we have to be fully compliant with all environmental laws, bawal na po yung magsunog. Secondly, Comelec aims for sustainability," ani Laudiangco.

Tapos na rin sa final testing and sealing ang 81 porsiyento ng mga clustered precinct.

Umabot sa 790 na makina at 143 SD cards ang kailangang kumpunihin pero wala pa rin ito sa 1 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga gagamitin.

Inihahatid na rin ang mga VCM sa mga liblib na lugar.
Inihahatid na rin ang mga VCM sa mga liblib na lugar.
ADVERTISEMENT
Nagpapatuloy na rin ang paghahanda sa mga paaralan para ayusin ang mga classroom na gagamitin sa halalan.

Naglagay na ng plastic barrier sa mesa ng electoral board at iba ibang signage para makatulong sa mga botante.

Naghanda na rin sila ng maraming temperature scanner.

Nilagyan na rin ng mga tolda ang mga kalsada sa harap ng eskuwelahan para sa help desk, first aid, at precinct finder.

Ang Tenement Elementary School ang may pinakamaraming botante na aabot sa higit 46,000, ayon sa ABS-CBN Investigative and Research Group.

May mga upuan na ilalagay sa kalsada kung saan maghihintay ang mga nais pumasok sa Tenement Elementary School.

May malaking tarp din sa lugar para sa mapa ng mga precinct na puwede nilang pag-aralan.

Halos 9,000 naman ang botante sa Pinaglabanan Elementary School sa San Juan na may sariling lugar sa paaralan para sa kada barangay para maiwasan ang pagdikit-dikit.

Malawak naman ang voting center kaya indi problema ang ventilation para sa 12,000 botante.

Nakalagay na rin ang precinct number sa labas ng mga classroom ng Bagong Silang Elementary School.
Nakalagay na rin ang precinct number sa labas ng mga classroom ng Bagong Silang Elementary School.
ADVERTISEMENT
Handa na rin ang isolation room at voting room para sa mga buntis, senior at PWD.

Nagpakalat na rin ng dagdag na puwersa ng mga pulis para magbigay-seguridad sa halalan sa Calabarzon.

Nananatiling tahimik ang sitwasyon sa rehiyon at wala pang naitatalang insidente ng karahasang may kinalaman sa halalan, maliban sa isang ulat ng pamamaril sa Cavite na iniimbestigahan pa.

Libo-libong pulis din ang ipinakalat sa Occidental at Oriental Mindoro para sa halalan. Halos 2,000 pulis na rin ang naka-istasyon sa polling centers

-- Ulat nina RG Cruz at Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT