5 sugatan sa barilan sa pagitan ng mga tauhan ng 2 mayoral candidate sa Nueva Ecija

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 sugatan sa barilan sa pagitan ng mga tauhan ng 2 mayoral candidate sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Clipboard

Lima ang sugatan habang 19 iba pa ang arestado sa barilan sa Purok Gulod, Barangay Concepcion sa General Tinio, Nueva Ecija Sabado ng gabi.

Kinilala rin ang mga sangkot sa insidente na mga security personnel ni incumbent Mayor Isidro Pajarillaga at ni Virgillio Bote na tumatakbo rin bilang mayor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng General Tinio Municipal Police Station, nagpang-abot sa lugar ang 2 grupo at nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, umabot sa 24 ang naaresto, kabilang ang 5 sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Fajardo, mabilis na nakaresponde sa lugar ang mga pulis kaya naabutan pa ang mga sangkot sa insidente na sakay sa iba't ibang sasakyan.

Hinalughog ang kagamitan ng mga ito at nakuha mula sa kanila ang iba't ibang kalibre ng mga baril, kabilang ang 5 M-16 rifle, 12 kalibre .45, 3 9-millimeter pistol, 1 kalibre .40, at 1 12-gauge shotgun. Nakakuha rin ng iba't ibang mga bala sa lugar.

Ayon kay Fajardo, nagdagdag na sila ng pulis sa lugar, lalo na't isa ito sa mga lugar na nasa ilalim ng control ng Commission on Elections.

"Doon sa mga magtatangkang manggulo para sa inyong kaalaman, ang PNP ay nakahanda para i-apply po yung full force of the law at hindi po natin hahayaan na may manggulo po para sa eleksyon na ito," dagdag pa ni Fajardo.

Inihahanda na ang kasong frustrated murder at paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Omnibus Election Code laban sa mga naaresto.

- ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.