3 Chinese arestado sa pagpuslit ng alak sa quarantine checkpoint sa Muntinlupa City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 Chinese arestado sa pagpuslit ng alak sa quarantine checkpoint sa Muntinlupa City

ABS-CBN News

 | 

Updated May 14, 2020 07:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Arestado noong Miyerkoles ang tatlong Chinese nationals matapos magtangkang magpuslit ng alak sa quarantine checkpoint sa Muntinlupa City sa kabila ng umiiral na liquor ban sa lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Dai Bizhu, Wang Peng Li, at Wang Peng Wen.

Ayon sa Muntinlupa City Police, hinarang ng mga pulis ang isang itim na SUV sa quarantine control point sa Barangay Alabang, Muntinlupa.

Napansin ng pulisya na isa lang sa mga nakasakay ay may quarantine pass at maraming dala ang mga ito. Nang buksan ang likod ng sasakyan, tumambad ang 32 kahon ng beer. Dito na naaresto ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Muntinlupa police investigation section chief Allan Cabral, humingi ng tawad ang mga suspek.

"Isa po doon sa Chinese national, birthday po ng tatay. Papunta po sila sa Sta. Cruz, Manila. Patawad daw po, e hindi po puwedeng patawad lang. Kailangan pong ikulong sila at masampahan ng kaukulang kaso,” ani Cabral.

Dahil sa insidente, mas maghihigpit ang ugnayan at pagbabantay ng pulis at barangay lalo na’t hindi lang umano ito ang unang beses na nakahuli sila ng Chinese nationals na lumalabag sa liquor ban sa kanilang lugar.

"Unang-una po yung sa isang condominium, nakakalungkot na nakalagay pa po ito sa isang relief box para lang mailusot papunta sa kanilang condominium. Ito po muli ay Chinese national," ayon kay Tintin Abas, kapitan ng barangay.

Sumalang na sa inquest proceedings ang mga suspek.

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.