Home-based learning mananatili sa new normal: DepEd exec

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Home-based learning mananatili sa new normal: DepEd exec

Arra Perez,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 17, 2021 01:05 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mag-isang binubuhay ni Annalinda Barso ang kaniyang 3 anak mula sa pagtitinda ng ulam sa tapat ng kanilang bahay.

Isinasabay ni Barso ang paghahanapbuhay sa pagtuturo sa mga anak, na lahat ay nagdi-distance learning.

"Ang hirap din 'pag diyan lang sa bahay din sila... Pagkatapos ng tinda, kahit puyat, tuturuan ko pa rin sila," ani Barso.

Para naman sa guro na si Eden Enoch, na higit 2 dekada na sa serbisyo, ang pagtuturo ng distance learning ay nangangahulugang parati silang nariyan para sa mga estudyante.

ADVERTISEMENT

"Twenty four-seven talaga 'yong trabaho. Kumbaga, hindi maikakailala na any time, sa lahat ng oras, hindi mo puwedeng hindi pansinin iyong ipapasa ng bata na output," ani Enoch.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, bahagi na ng edukasyon ang home-based learning kahit pa matapos ang pandemya.

"Kahit bumalik pa ang normal na tinatawag, new normal o better normal ang gusto ng iba, naniniwala ako na iyong home-based learning ay option ng bawat mag-aaral," ani San Antonio.

Ayon pa kay San Antonio, sakaling hindi pa rin payagan ang limited face-to-face classes sa susunod na school year, may mas mabisang sistema na ang DepEd para sa distance learning, lalo't marami nang naitamang errors sa learning resources.

"Iyong mga natutunan natin ngayong taon ay gagamitin natin upang maging mas mabisa, mas maging maayos iyong mga sistemang ginagawa," aniya.

Matatapos ang kasalukuyang school year sa Hulyo 10. Kailangan pang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang petsa ng pagsisimula ng School Year 2021-2022.

Una rito, sinabi sa ABS-CBN News ni San Antonio na ipinanukala ng ahensiyang sa Agosto 23 magsimula ang susunod na school year — bagay na inalmahan ng ilang teachers' group dahil mapapaikli nito ang school break.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.