'Mahirap kumanta ng may mask:' Barangay chairman pinagpapaliwanag sa pag-vivideoke
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Mahirap kumanta ng may mask:' Barangay chairman pinagpapaliwanag sa pag-vivideoke
ABS-CBN News
Published May 20, 2021 05:10 PM PHT
|
Updated May 20, 2021 07:27 PM PHT

MAYNILA — Iniimbestigahan ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang viral video tampok ang isang barangay chairman na nagi-videoke habang walang suot na face mask sa birthday party.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Dino, lumabag sa health protocols si Ric Corro, chairperson ng Barangay Alicia sa Quezon City, dahil nakuhanan siyang walang suot na face mask, dumadalo sa isang social gathering, at nagvi-videoke.

Nai-post pa sa Facebook ang video ng pagkanta ni Corro sa isang birthday party sa Bulacan bandang alas-9:30 ng gabi.

Ayon kay Corro, hinikayat siyang kumanta ng mga tao doon at bilang opisyal ay hindi siya nakatanggi.
Ayon kay Corro, hinikayat siyang kumanta ng mga tao doon at bilang opisyal ay hindi siya nakatanggi.
ADVERTISEMENT
"Kasama lang ako tapos na-request lang pero loob ng bahay naman 'yon," ani Corro.

"Mahirap kumanta naman na may mask ako. Saan naman kayo nakakita ng kumantang may mask?" sabi ng kapitan.

Pinadalhan na ng show-cause order si Corro para magpaliwanag, sabi naman ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya.

Nanawagan din si Malaya sa mga lokal na opisyal na huwag lumabag sa mga health protocol.

Samantala, puspusan naman ang kampanya ng lokal na pamahalaan ng Quezon City laban sa mga lumalabag sa health protocols.

Ayon sa mga awtoridad, umabot na sa halos 20,000 tao ang kanilang nahuli at nabibigyan ng ordinance violation receipt dahil sa hindi pagsusuot ng face mask ngayong Mayo.

— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
metro
metro news
Quezon City
barangay chairman
viral
viral video
videoke
health protocols
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT