Sunog sumiklab sa residential area sa Pasig City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Pasig City

ABS-CBN News

Clipboard

Tuluyan nang naapula ang sunog sa isang residential area sa Barangay San Miguel sa Pasig City alas-11 Miyerkoles ng gabi.

Sa mga video na kumalat sa social media, makikita na malaki ang lagablab ng apoy.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay.

Bandang 8:22 p.m. nang itaas ang unang alarma, at makalipas lamang ang 11 minuto ay itinaas na ito sa ikalawang alarma. Idineklarang under control ang sunog bandang 10:37 ng gabi.

ADVERTISEMENT

Kuwento ng mga nasunugan, may mga pumutok na kalan kaya mas lumaki pa ang apoy.

Nagkanya-kanyang dala ng timba ng tubig ang mga ang mga residente ng Athena Residences sa Barangay San Miguel para iabot sa mga truck ng bumbero.

Kita sa live Facebook feed ni Bayan Patroller Sonny Caleze ang bayanihan ng magkakapitbahay para maapula ang apoy.

Ayon kay Caleze, nagulat siya nang makita ang napalaking sunog sa tapat mismo ng kanilang bahay.

Tumawag din umano agad si Caleze sa kanyang kaibigang si Alnie Mendoza Sobremonte na isang fire volunteer ng Mandaluyong BlackHawk Fire Rescue para humingi ng tulong.

ADVERTISEMENT

Sa panayam kay Sobremonte, sinabi niyang bandang 7:30 ng gabi siya tinawagan ng kanyang kaibigan para rumesponde.

Kuwento ni Sobremonte, hindi pa gumagana ang fire hydrant ng Athena Residences kaya't humingi na lang sila ng tulong sa mga residente na magpasahan ng balde para malagyan ng tubig ang mga maliliit na fire truck at makapagbuga ito ng tubig sa mga nasusunog na bahay.

Paliwanag ni Sobremonte, makipot daw kasi ang daan papasok sa Athena Residences kaya hindi makapasok ang malalaking truck ng bumbero.

Dagdag pa niya, nagmula ang apoy sa lugar na tinatawag na Tinambakan 2 o tirahan ng mga maralitang tagalungsod sa likod ng exclusive subdivision.

Ayon pa kay Sobremonte, may ilang bahay din sa Athena Residences ang inabot ng apoy pero hindi naman tuluyang napinsala dahil may firewall naman sa pagitan ng mga bahay sa Tinambakan 2 at Athena Residences.

ADVERTISEMENT

Hindi pa tiyak ilang bahay at pamilya ang apektado. Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog.

- ulat nina Jervis Manahan at Dabet Panelo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.