Lalaking nagpapanggap na pulis timbog sa checkpoint sa Zambales

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagpapanggap na pulis timbog sa checkpoint sa Zambales

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mahuling nagpapapnggap na isang pulis sa bayan ng Cabangan, Zambales.

Ayon kay Police Brig. Gen. Valeriano De Leon, hepe ng Police Regional Office 3, may edad 43 anyos ang suspek, namamasukan bilang isang driver at security guard, at residente ng Olongapo City.

Nagmamaneho ang suspek sakay ang 5 iba pa sa kaniyang sasakyan kaya naharang sila sa isang checkpoint sa Barangay Dolores.

Doon nagpakilala ang suspek bilang isang Police Lt Col Dela Cruz. Nakasuot din siya ng t-shirt na may nakalagay na “pulis” sa harapan.

ADVERTISEMENT

Pero wala naman naipakitang pruweba ang suspek na siya ay isang pulis, bukod sa suot niyang damit.

Puno rin siya ng mga tattoo sa kaniyang mga braso kaya nagsuspetsa na ang mga tauhan ng Cabangan Munipical Police Station.

Lumitaw sa pagbeberipikang hindi siya miyembro ng PNP.

Nang arestuhin ay nakumpiska rin sa kaniya ang isang kalibre 45 na kargado ng anim na bala.

Mahaharap sa kasong usurpation of authority, unauthorized use of PNP uniform, at paglabag sa Republic Act 11332 ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.