Pagdating ni Carpio Morales sa Hong Kong 'inabangan'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagdating ni Carpio Morales sa Hong Kong 'inabangan'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 23, 2019 01:44 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mula pa lang sa paglabas ng eroplano sa Hong Kong airport, nakaabang na umano kay ex-Ombudsman Conchita Carpio Morales ang ilang tauhan ng immigration doon, kuwento mismo ng dating opisyal.

Sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Morales, sinabi nitong inakala niya noong una na mag-a-assist lamang ito dahil nag-request siya ng wheelchair.

Pero nagulantang na lang siya nang ideretso siya sa isang opisina ng immigration hiwalay sa pamilya, at doon in-interrogate at dinetene.

Nang kumalat na ang balita sa Pilipinas, bigla umano siyang sinabihan ng Hong Kong immigration na puwede na siyang pumasok ng bansa pero tumanggi na siya at nagdesisyong umuwi.

ADVERTISEMENT

Kumbinsido si Carpio Morales na may kinalaman ang pagharang at pagpiit sa kaniya sa Hong Kong airport sa pagsampa niya ng kaso kay Chinese President Xi Jinping.

Magugunitang si Carpio Morales, kasama si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, ang naghain ng komunikasyon sa International Criminal Court kaugnay ng umano ay pangha-harass ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.

Ang Hong Kong ay isang special administrative region ng China.

Sabi pa ni Carpio Morales, kung nagawa sa kaniya iyon, nag-aalala siya sa maaaring gawing pangha-harass sa mga ordinaryong Pilipino.

Pinag-aaralan naman niya kung ano ang nararapat na aksiyong legal sa nangyari.

ADVERTISEMENT

KINONDENA

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umalma naman ang human rights group na Karapatan sa sinapit ni Carpio Morales sa Hong Kong.

"Tinitignan namin ito bilang reprisal o pagganti kay former Ombudsman Conchita Morales. Mali po ito, she's not a security threat," sabi ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan.

Kinuwestiyon din ng isang mambabatas sa Hong Kong na si Ted Hui Chi-Fung ang pagkakadetene kay Carpio Morales.

"Looks like political reasons rather than security reasons were considered... Denial of entry based on a court case is plain barbaric," sabi nito.

Paniwala naman ng isang eksperto, hindi makakaapekto sa relasyon ng China at Pilipinas ang insidente.

"It will not affect the overall relationship between the Philippines and China. Pinapangalagaan ngayon ng China 'yung kaniyang friendly relationship sa Pilipinas," sabi ni Dr. Rommel Banlaoi, presidente ng Philippine Association for Chinese Studies.

ADVERTISEMENT

Gayunpaman, giit ni Banlaoi, dapat maayos ang naging pagtrato kay Carpio Morales o sino mang Pinoy na malalagay din sa kaparehong sitwasyon.


—Ulat nina Henry Omaga-Diaz at Ina Reformina, ABS-CBN News


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.