Takot ng grupo sa Baguio: 'Profiling,' baka maabuso | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Takot ng grupo sa Baguio: 'Profiling,' baka maabuso

ABS-CBN News
Published May 24, 2018 05:32 PM PHT

Nagpahayag ng pangamba ang grupong Cordillera People's Alliance (CPA) sa kautusan ni Mayor Mauricio Domogan na profiling sa mga residente at bisita sa Baguio City para umano "labanan" ang terorismo at kriminalidad.

Ayon sa grupo, maaari raw kasi itong magdulot ng diskriminasyon, harassment, at pananakot.

"Iyong mga residents ng Baguio ay possible na maka-experience ng human rights violations dulot nito," ani Bestang Dekdeken, secretary general ng grupo.

Ibinigay na halimbawa ng CPA ang nangyari sa kanilang grupo ngayong taon, matapos isama sa listahan ng mga terorista ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang mga pinuno.

"Ang Cordillera People's Alliance, kinokondena din natin ang terorismo, pero puwede natin itong i-address by not necessarily profiling all the individuals in the city," giit ni Dekdeken.

Maaalala na noong Marso, nagpulong sina Domogan at Association of Barangay Captains at napagdesisyunan nilang paigtingin ang profiling sa mga bisita sa lungsod.

Sa gagawing profiling, pupunta ang barangay officials sa mga bahay at kukuha ng datos tungkol sa mga nakatira roon.

Kapag foreigner, hihingan ito ng kopya ng passport para matiyak ang kanilang pagkakakilanlan.Layon lang daw nilang mapangalagaan ang peace and order ng mga barangay.

Makatutulong din umano ito sa kampanya kontra droga at terorismo.

Samantala, tiniyak ng mga barangay na hindi ito maaabuso dahil kukuha lang naman sila ng impormasyon.

Sa ngayon, wala pang pormal na papeles ukol sa profiling pero nakatakdang maglabas ng administrative order si Domogan tungkol dito. -- Ulat ni Melinda Ramo, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Baguio City
peace and order
safety
profiling
tourism
Cordillera People's Alliance
CPA
Mauricio Domogan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT