Babaeng viral sa pananakit sa traffic enforcer umaming nakadroga

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng viral sa pananakit sa traffic enforcer umaming nakadroga

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Umamin ang babaeng nag-viral sa social media sa pananakit sa traffic enforcer na nasa impluwensiya siya ng ilegal na droga nang mangyari ang insidente noong Huwebes.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa viral video, kitang nagwawala ang babae at sinaktan pa ang traffic enforcer na si Marcus Anzures.

Nag-ugat ito sa paghabol ni Anzures sa sasakyan ng babae matapos dedmahin ng driver ang red light.

Nang makorner, photocopy lang ng lisensiya ang naibigay ng babae kaya hiningan siya ng OC-CR ng sasakyan. Doon na umano nagsimulang manakit ang suspek at naging bayolente.

ADVERTISEMENT

Nang dalhin sa presinto, nakakuha umano ng ilegal na droga sa bag ng babae at natuklasang drug courier ito nang siyasatin ang cellphone.

Nahuli ang 4 umanong katransaksiyon ng babae sa follow up operation nitong Biyernes.

Pero sabi ng babaeng suspek, hindi siya tulak. Aminado siyang user siya ng droga na nakita sa kaniyang bag.

"Di po ako nagbebenta, gumagamit lang po. Nabiktima lang din," ayon sa babae.

Nauna nang kinasuhan ang babae ng direct assault, disobedience to persons in authority, at driving without license.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.