Kampanya laban sa droga, internal cleansing idiniin sa pagpapalit liderato ng Calabarzon police

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kampanya laban sa droga, internal cleansing idiniin sa pagpapalit liderato ng Calabarzon police

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Naniniwala ang bagong talagang chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na itutuloy ng kaniyang kapalit sa iiwang posisyon ang kampanya laban sa droga.

"Ako ay naniniwala at nakakasiguro na ang papalit sa atin dito ay isang lider na magtataguyod at ipagpapatuloy ang lahat ng nasimulan ng lahat ng mga naging regional directors, na lahat ay nagbigay ng kontribusyon para sa ating organisasyon," pahayag ni Chief Supt. Guillermo Eleazar sa turnover ceremony sa Camp Vicente Lim sa Laguna, Sabado ng umaga.

Itinalagang kapalit ni Eleazar bilang regional director ng Police Regional Office-4A (Calabarzon) si Chief Supt. Edward Carranza.

Sa kaniyang talumpati, hiniling ni Eleazar ang suporta para kay Carranza sa pagsulong ng direktiba ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na pag-ibayuhin ang kampanya laban sa droga at internal cleansing.

ADVERTISEMENT

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Eleazar si Albayalde sa ibinigay sa kaniyang tiwala at kumpiyansa para pamunuan ang NCRPO.

"Ang pag-alis dito at pagpunta sa next assignment will be another challenge for me," sabi ni Eleazar na pinalitan naman sa puwesto bilang NCRPO Chief si Director Camilo Cascolan. Na-assign si Cascolan sa PNP Civil Security Group sa Camp Crame.

Namuno sa PRO-4A si Eleazar sa loob lamang ng 42 araw.

"Ito sana 'yung unit being regional director ang gusto kong pinakamatagal na aking paglilingkod sa aking bayan. Subalit lumalabas na sa lahat ng aking assignment, ito ang pinakamaikli," sabi niya.

Sa kabila ng maiksing panahon sa PRO-4A, sinabi ni Eleazar na nakita naman niya ang init ng pagtutulong-tulungan ng bawat isa sa 12,750-strong na kasapi ng organisasyon dito para maabot ang kanilang misyon.

ADVERTISEMENT

Samantala, tiniyak naman ni Carranza na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan ni Eleazar sa Calabarzon.

"First order of the day is internal cleansing, war on drugs and sustained police operations on eight focused crimes," sabi ni Carranza.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Carranza sa mga nais niyang gawin sa PRO-4A lalo ng ang pagkakaroon ng kultura ng disiplina ng kaniyang mga tauhan at zero tolerance para sa mga pasaway na pulis.

"As regional director, I am ordering that pending cases of policemen accused of corruption and other criminal acts be resolved the soonest time possible," sabi niya sa kaniyang talumpati.

Binalaan din niya ang mga tao o grupong nasa likod ng ilegal na kalakaran ng droga sa Calabarzon.

ADVERTISEMENT

"Today I shall serve notice to everyone involved in the illegal drugs trade: PRO-4A will not stop its campaign against you and we will get you one way or another."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.