Dahil sa galit sa asawang OFW, ama pinatay ang mga anak sa Catanduanes

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dahil sa galit sa asawang OFW, ama pinatay ang mga anak sa Catanduanes

ABS-CBN News

Clipboard

Ibinuhos ng suspek ang buong sama ng loob sa dalawang batang anak nang pagsasaksakin niya ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Catanduanes dahil umano sa sobrang galit sa OFW na asawa na nais nang makipag-hiwalay sa kaniya. Larawan mula sa Baras Municipal Police Station

Duguan at wala nang buhay nang maabutan ng mga rumespondeng pulis ang magkapatid na bata sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Western Poblacion sa Baras, Catanduanes Miyerkoles ng gabi.

Mismong ang ama ng mga bata ang itinuturong responsable sa krimen.

"Multiple stab wounds yung parehong sinapit ng mga bata," ayon kay Police Capt. Mark Barlis, hepe ng Baras Municipal Police Station.

Sabi ni Barlis na maging ang mga rumespondeng pulis ay inatake ng kutsilyo ng suspek kaya binaril siya sa hita.

Agad na isinugod sa ospital ang suspek at dalawang anak nito na edad 8 at 9 na taong gulang pero ideneklarang dead on arrival na ang mga bata.

ADVERTISEMENT

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na nagawang pagsasaksakin ng suspek ang mga anak dahil sa sobrang galit sa asawang overseas Filipino worker na umano'y nagdesisyon na makipahiwalay sa kanya.

Mismong ang ina ng mga bata ang nagpaabot ng sumbong sa mga pulis para rumesponde sa kanilang bahay matapos makipag-videocall ang suspek at ipinapakita ang tangkang paglaslas.

"At yun yung nakikita naming dahilan kung bakit nagawa niyang pagsasaksakin yung bata. Dahil sa sobrang galit sa asawa," sabi ni Barlis.

Double parricide ang kasong haharapin ngayon ng suspek na ginagamot pa sa ospital.

- Ulat ni Karren Canon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.