Ilang LGU naghihintay na lang ng guidelines para sa A4 vaccination
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang LGU naghihintay na lang ng guidelines para sa A4 vaccination
ABS-CBN News
Published Jun 03, 2021 05:11 PM PHT
|
Updated Jun 03, 2021 08:51 PM PHT

MAYNILA — Naghihintay na lang ang ilang lokal na pamahaan ng opisyal na polisiya kung paano aarangkada ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa A4 priority group o economic frontliners.

Ani Manila Mayor Isko Moreno, sa Maynila ay puwede ang walk-in sa vaccinations sites ng mga kabilang sa A4 priority list.

Pagtitiyak ni Moreno, lahat ng nagtatrabaho, nasa formal sector man o informal sector gaya ng vendors at sidecar boys, ay mababakunahan.

"ID lang ipapakita mo, tusok dito, tusok doon, walang masyadong chechebureche, kasi gusto na ng tao ng bakuna eh. Let us not give the hard way yung pagpapabakuna, Por Diyos por santo, bakuna na lang, ipagdadamot pa natin," anang alkalde.
Hindi na aniya tatanungin kung empleyadong taga-Maynila o empleyadong hindi taga-Maynila.
Hindi rin kailangang humingi ng listahan sa employers, basta't hindi lalabag sa priority listing.

"Pagkatiwalaan natin ang tao na siya'y nagsasabi ng totoo, siya ay empleyado, bakunahan natin. Pwede kang walk-in, pwede kang registered, wala kaming reservation," ani Moreno.
Pakiusap lang niya, magtiyaga sa pila kung kailangang maghintay nang isa hanggang 3 oras.
Ang Quezon City naman, mahigpit ang patakaran sa pagbabakuna sa A4 group.

Sabi ni Joseph Juico, pinuno ng Quezon City Vaccination Task Force, nasa 80,000 ang mga negosyo sa lungsod kaya kailangan ng iba't ibang diskarte para mabakunahan ang mga nagtatrabaho.

"Ina-avoid talaga namin yung walk-in dahil ang nangyari noong una kaming nagbukas ng vaccine site sa Quezon City, naghintay ang mga tao ng mga 3 to 4 hours... So ang gusto namin, organized, at maximum sana, less than an hour, dapat tapos na yung tao," ani Juico.

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na may "mini" rollout muna para sa priority groups na A4 at A5 o economic frontliners at mahihirap sa Hunyo 7.

Pero sa kalagitnaan ng Hunyo pa inaasahang tuluyang bubuksan ang COVID-19 vaccination sa naturang priority groups sa "NCR Plus 8" areas.

Kasama rito ang National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.

Halos 10 milyong dose ng bakuna ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong buwan.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
bakuna
Carlito Galvez
vaccine
vaccine czar
pandemya
vaccination
vaccine rollout
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT