Kakulangan sa silid-aralan, problema pa rin sa ibang eskuwelahan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kakulangan sa silid-aralan, problema pa rin sa ibang eskuwelahan
ABS-CBN News
Published Jun 04, 2018 03:17 PM PHT
|
Updated Jun 04, 2018 09:34 PM PHT

Sa pagsisimula ng klase nitong Lunes, nanatiling problema para sa ibang paaralan sa mga lalawigan ang kakulangan ng mga silid-aralan bunsod ng patuloy na konstruksiyon sa mga gusali ng eskuwelahan.

Nagpatupad ng double shift at team teaching sa Kapitan Tomas Monteverde Elementary School sa Davao City dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan.

Sa ilalim ng double shift, may magkahiwalay na pangkat ng mga mag-aaral na gumagamit ng mga silid-aralan sa umaga at hapon.

Sa team teaching, pinagsasama naman ang dalawang klase mula sa parehong baitang sa isang silid, kung saan pinangangasiwaan sila ng dalawang guro.

May 16 section din mula sa ika-anim na baitang ng paaralan ang magdaraos ng kanilang klase sa gymnasium.

Paliwanag ng principal na si Ma. Epifania Villa, hindi pa ginigiba ang dating classroom-building na dapat ay papalitan ng bago.

Sa tala nitong Lunes ng umaga, nasa 4,089 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na naka-enroll sa Kapitan Tomas Elementary School.

Samantala, nagkukulang naman ng silid-aralan sa Magallanes Elementary School sa Davao City dahil hindi pa tapos ang pagtatayo sa apat na palapag na gusaling paglalagyan ng 20 silid-aralan.

May isa ring gusali ang paaralan na hindi pa nagigiba dahil hindi pa naaprubahan ang mga permit sa konstruksiyon. Nakatakda itong palitan ng panibagong 3 palapag na gusaling may 15 silid-aralan.

Dulot nito, nasa 35 klase mula sa una, ikaapat, ikalima, at ika-anim na baitang ang nagdaraos ng team-teaching sessions.

May 4,370 mag-aaral ang naka-enroll sa Magallanes Elementary School.

Samantala, lumobo naman ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase sa Agusan National High School sa Butuan City.

Isiningit kasi ng pamunuan ang mga mag-aaral na walang silid-aralan sa ibang klase.

Kung dati ay 45 estudyante kada klase, ngayon ay hanggang 60 estudyante na ito.
Kung dati ay 45 estudyante kada klase, ngayon ay hanggang 60 estudyante na ito.
ADVERTISEMENT
Kulang sa silid-aralan ang Agusan National High School dahil hindi pa tapos ang konstruksiyon ng ibang gusali ng paaralan.

Ipinatupad din ng paaralan ang double shift para hatiin ang 12,000 mag-aaral.

Sa isang covered court naman nagdaos ng klase ang ang mga mag-aaral ng Tayud Elementary School sa Consolacion, Cebu matapos masunog ang bahagi ng kanilang paaralan noong 2016.

Mga plywood at blackboard ang ginamit na panghiwalay sa mga klase.

Nahirapan ang mga estudyante na pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral dahil sa init at ingay sa lugar.
Nahirapan ang mga estudyante na pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral dahil sa init at ingay sa lugar.
ADVERTISEMENT
Hiniling ng principal na si Fe Baladjay sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ngayong taon ang pagtatayo ng gusaling kayang paglagyan ng 60 silid-aralan.

May ilang paaralan din sa Central Visayas ang nakararanas ng pagkaantala sa kuryente at kakulangan sa tubig, ayon sa sangay ng Department of Education sa rehiyon.

Class shifting din ang ipinatupad sa mga klase mula una hanggang ika-anim na baitang sa West Central Elementary School-1 sa Dagupan City.

Nasa 2,100 mag-aaral ang nag-enroll sa paaralan pero inaasahan pang madadagdagan pa ito.

Naging problema sa pagbubukas ng klase ang kalituhan sa class schedule at paghahanap ng mga classroom.

-- Ulat nina Arianne Apatan, Ara Casas, Joanna Tacason, Joworski Alipon, at Richmond Hinayon, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
pag-aaral
edukasyon
pasukan
classrooms
rehiyon
Davao City
Butuan City
Consolacion
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT